Ipaghaharap na ng kasong Acts of Lasciviousness ang jeepney driver na ipinakita sa isang viral video na nanghipo umano sa pasahero nitong babae, noong May 23.
Sa hearing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, nagkaharap ang tsuper na si Emmanuel Escalona at biktima nito.
Bagaman iginiit ni Escalona na aksidente lamang niyang nahawakan ang biktima hindi naman maipaliwanag ng driver kung bakit ito nagbitiw ng mga malisyosong salita sa pasahero.
Ayon kay Atty. Ernesto Francisco Jr, abogado ng biktima, hihilingin din nila sa LTFRB. na kanselahin ang prangkisa ng jeep.
Samantala, i-rerekomenda naman ng LTFRB sa Land Transportation Office o LTO na kanselahin ang Driver’s License ni Escalona.
By: Drew Nacino