Humihingi pa ng sapat na panahon sa LTFRB para dumalo sa hearing ang jeepney driver na nakita sa video na naglalabas ng kaniyang private part sa isang babaeng pasahero sa Aurora Blvd sa Pasay City
Sa kaniyang isinumiteng pahayag sa LTFRB sinabi ni Jesse Sewell, 41 gulang na hindi niya alam ang kaniyang ginawa nang ma video siya nuong araw na yun
Ang may bahay ni Sewell na si Concepcion ang dumalo sa pagdinig at nagsabing plano ng driver na magpatingin sa iang Neuropsychiatrist
Iginigiit naman ni Ginang Sewell na mabait ang kaniyang asawa at hindi magagawa ang nakuhanan sa video
Kaugnay dito, tuloy ang kasong isasampa laban sa jeepney driver na nakuhanan ng video na naglabas ng private part niya sa harap ng babaeng pasahero
Ayon ito sa biktima kahit pa aniya nanghingi na ng sorry si Jesse Sewell
Sinabi ng biktima na tutuloy niya ang kaso para mabawasan ang mga bastos na driver at maipagtanggol na rin ang ibang mga kababaihang nababastos
Kasabay nito ipinabatid ng LTFRB na expired na ang NBI Clearance ni Sewell at ire rekomenda nilang bawiin ang lisensya nito lalo pat wala rin itong police clearance
By: Judith Larino