Nauwi sa pananaksak ang masaya sanang pagdalo sa isang fiesta ang isang mag-live in partner sa San Remigio, Cebu.
Kinilala ng awtoridad ang nasawi na si Jocelyn Ababa habang pinangalanan naman ang suspek na Peter Arnado, isang Jeepney Driver at kinakasama ng biktima.
Ayon sa awtoridad, galing sa diskuhan ang mag-asawa matapos mag-inuman.
Naalipungatan na lamang ang isa kanilang kaibigan sa ingay ng dalawa. Dito na niya nakita si Ababa sa lupa habang sinusuntok at sinasakal siya ni Arnado.
Natigil lang ang pambubugbog kay Ababa nang may pumigil dito. Ngunit hindi nag-paawat si Arnado at pinagsasaksak si ababa ng ilang beses na agaran nitong ikinamatay.
Selos ang maaaring nag-udyok kay Arnado na patayin si Ababa, ayon sa pulisya.
Samantala, nagkasa na ng manhunt operation ang pulsiya sa tumakas na suspek na nahaharap sa kasong murder.