Umapela sa pamahalaan ang mga drivers ng jeepney sa Metro Manila na bilisan na ang pagbibigay sa kanila ng ayuda.
Ginawa ni Ka Orlando Marquez, pangulo ng Liga ng Transportasyon at Pperators sa Pilipinas (LTOP) ang apela sa harap ng pamamalimos na ng mga drivers para lamang may makain ang kanilang pamilya.
Ayon kay Marquez, may driver na rin anya na naburyong na dahil sa kawalan ng makakain.
Sinabi ni Marquez na halos dalawang buwan na ang enhanced community quarantine (ECQ) subalit nitong Biyernes lamang napag-usapan ang ibibigay na ayuda sa mga drivers.
Syempre gagawin ang lahat ng mga kasamahan natin para lang mabuhay nila ang kanilang mga anak dahil nga mayroon nang naburyong natatay dahil nga ‘yung kanyang anak walang makain. Nagkasakit na, kaya ‘yung tatay nagkaroon na ng deperensya sa pag-iisip. Sabi nga naming, sana ‘wag naman kaming tamaan ng COVID, kaso tatamaan naman kami sa gutom at doon naman kami mamamatay,” ani Marquez. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas