Nagmamakaawa na ang mga jeepney groups sa pamahalaan na payagan na silang makapamasada.
Marami sa mga drivers ang namamalimos na lamang upang maitawid sa gutom ang kanilang pamilya matapos silang mahinto sa pamamasada sa nakalipas na mahigit sa tatlong buwan.
Ayon kay Zeny Maranan ng FEJODAP, sa listahang isinumite nila sa DSWD, 20 drivers pa lamang ang nabiyayaan ng cash aid.
Sinabi ni Maranan na marami sa mga drivers ang hindi na sana aasa sa cash aid kung papayagan lamang sila mamasada.
Umaasa sa transport groups na makarating sa Pangulong Rodrigo Duterte ang tunay na kalagayan ng mga jeepney drivers na sa arawang kita lamang umaasa para mabuhay.