Itinanggi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tuluyan nang aalisin sa mga kalsada ang mga tradisyonal na jeepney para itulak ang planong modernisasyon.
Ayon kay LTFRB executive director Maria Kristina Cassion, hindi totoong ipe-phase out na ang mga Public Utility Jeepney (PUJ) sakaling isailalim na sa Alert Level 1 ang ilang lugar sa bansa gaya ng agam-agam ng ilang tsuper.
Pero, ikinokonsidera raw nilang palitan ang mga diesel-powered jeepneys sa mga modernized jeepneys lalo na yung mga may luma nang makina.
Tiniyak naman ni Cassion na hindi basta-basta ang pagpapatupad ng umano’y pagmo-modernisa ang nasabing pampublikong sasakyan.
Sa ngayon naman aniya ay pinapayagan pa rin silang makapasada sa pamamagitan ng provisional authority.
Matatandaang pinagbawalan ng pamahalaan ang pagbiyahe ng traditional commuter jeepneys noong lockdown kahit na inihayag ng doktor na ligtas itong gamitin dahil sa sapat na bentilasyon.–-sa panulat ni Abir Aliño-Angeles