Aabot na sa 54 na modern Public Utility Vehicle (PUV) model ang nabigyan ng sertipikasyon ng gobyerno.
Ito’y ayon sa datos ng Department of Transportation (DOTr) kung saan 34 sa nasabing bilang ay locally manufacture at 20 naman ang inangkat.
Kaugnay nito, nabatid na ang 34 na model na in-assemble sa Pilipinas ay hindi pagmamay-ari ng Pilipino.
Kabilang dito ang Assemblepoint, Dongfeng, Mahindra, Dayun, Foton, Hino Hyundai, Isuzu, Tata, Zhong Zhi At Zhong Tong.
Pumapalo sa P1.30 – M ang presyo class 1 modern jeepney, P2.48 – M naman ang class 2 habang P2.65 -M ang class 3.
Samantala, nagkakahalaga naman ng P1.8- M – P2.8 – M ang mga modern jeepney na gawa sa China. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma