Asahan na ang pinakamalakas na suntok ni Senador Manny Pacquiao sa pakikipagbakbakan kay Australian boxer Jeff Horn.
Ayon ito kina Coach Freddie Roach at assistant trainer Buboy Fernandez sa tinagurian nilang 105 uppercut ni Pacman.
Sinabi ni Fernandez na sa unang pagsalang pa lamang ng Pinoy boxer na si Sonny Katiandagho ay muntik na itong bumagsak nang tamaan ng mga binitiwang suntok ng Pambansang Kamao.
Gayunman, nang pinapasok na ang Australian boxer na si George Kambosos, Jr. ay bahagyang nakarekober ang boksingero at hindi na gaanong tinamaan ng mabibigat na suntok ng Pinoy ring icon.
Subalit nangamba sina Roach at Fernandez nang pinapasok sa boxing ring ang meksikanong si Adrian Young.
Una nang inihayag ni Fernandez na tatlong rounds na lamang ng sparring session ang gagawin ni Pacman hanggang sa Sabado, June 24.
By Judith Larino
Jeff Horn pinag-iingat sa lakas ng kamao ni Manny Pacquiao was last modified: June 20th, 2017 by DWIZ 882