Good news sa mga gustong magpunta ng Korea!
Pwede nang bumisita ang mga Pilipino kahit walang visa sa Jeju Island at Yangyang sa South Korea, simula ngayong araw.
Sa anunsyo ng embahada ng South Korea sa Pilipinas, ang mga magtutungo sa Jeju Island ay papayagang makapasok sa pamamagitan ng direct flights at manatili sa loob ng isang buwan ngunit hindi papayagan ang mga turista na bumyahe sa labas nito.
Para naman sa mga magpupunta sa Yangyang District, dapat na makapag-book ng group tour program sa pamamagitan ng travel agency.
Maaaring manatili sa naturang lugar sa loob ng 15 araw at bumiyahe sa Gangwon Province at Seoul Metropolitan Area, at bumalik pabalik ng Pilipinas sa pamamagitan ng Yangyang International Airport.
Pinaalalahanan naman ng embahada ang mga turista na required pa rin na sumunod sa ipinatutupad na health protocols.
Umaasa ang Korean Embassy na mapapalakas ang “people-to-people exchange’ sa pagitan ng Korea at Pilipinas. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)