Inalala ng dalawang batikang hollywood star na sina Jennifer Garner at Mark Ruffalo ang kanilang naging tambalan noon sa pelikulang “13 going on 30”.
Sa video ng kanilang upcoming film na “The Adam Project,” makikita sina Jennifer at Mark na magkatabing nakaupo sa sopa at masayang ang binabalikan ang 18-year-old film nila at ang kanilang characters na Jenna and Matty.
Tila hindi naman makapaniwala ang dalawa na labingwalong taon na pala ag lumipas ng gawin nila ang ‘13 going on 30’ movie.
Ayon kay Mark, maaring muling pinagtambal sina Jenna at Matty upang maging magulang na ang kanilang karakter sa pelikulang “The Adam Project.’”
Ibinahagi naman ni Jennifer sa social media ang kanilang larawan ni mark na nakaupo sa isang sopa na mula sa ending scene ng “13 going on 30” at ang isa pang picture na may kaparehong ring pose ngunit medyo tumanda lamang ng kaunti.
Kasama din sa “The Adam Project,” na may time travel features sina Ryan Reynolds at Zoe Saldaña na ipalalabas sa Netflix sa March 11, 2022.