Masasabi ngang iba ang charisma ng isang John Lloyd Cruz.
Sa isang interview kasi ay tinanong ang aktres na si Jennylyn Mercado kung posible ba siyang ma-in love, sakaling single sa ‘Just the 3 of Us’ movie co-star na si John Lloyd Cruz.
At ito ang tahasang sagot ni Jennylyn: “Kung ako ay single, eh sino naman ang hindi mafa-fall?”.
Magsasama ang dalawa sa pelikulang ‘Just the 3 of Us’ kung saan gagampanan ni Jennylyn ang karakter ni CJ Manalo, isang airport ground crew na super crush ang pilotong si Uno na gagampanan naman ni John Lloyd.
Pagbabahagi ni Mercado, magsisimula ang plot ng istorya matapos na magkaroon ng one night stand sina CJ at Uno, mabubuntis si CJ at kung paano nito haharapin ang sitwasyon.
Ito ang unang pagtatambal sa isang pelikula ng dalawa na mula sa magkaibang TV network.
Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, ipapalabas ang ‘Just the 3 of Us’ sa Mayo 4.
Photo Credit: abs-cbn /Youtube: Star Cinema