Deadma lang kay FHM sexiest woman Jennylyn Mercado ang ginawang boycott ng ilang mga pasok sa top 10 sa ginanap na FHM Top 100 sexiest victory party.
Ito ay ang kanyang kapwa kapuso sina Andrea Torres, Solenn Heusaff, Sam Pinto at Max Collins.
Ayon kay Jennylyn, hindi niya alam ang dahilan ng apat sa ginawang pang-iisnab sa event ngunit malamang ay meron namang valid reason ang mga ito.
Ang importante aniya naging matagumpay ang kanyang pagrampa sa naturang event at nagawa niyang pasayahin ang higit sa isang milyong bumoto sa kanya.
By Rianne Briones