Inalala ni Kapuso Actress Jennylyn Mercado ang first death anniversary ng kanyang kinalakhang ina na si Mommy Lydia noong Linggo, Oktubre 29.
Sa Instragram post ni Jennylyn, kanyang ibinahagi ang isang nakangiting larawan ni Mommy Lydia.
Ani ng aktres sa caption ng larawan, kanyang naalala ang unang araw ng kanyang buhay simula nang mawala ang ina kung saan malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay.
Binanggit din ni Jennylyn kung gaano niya na ka-miss si Mommy Lydia.
Si Mommy Lydia ay nasawi noong nakaraang taon sa edad na 74 dahil sa sepsis sanhi ng pneumonia.