Hindi madali pero nag-enjoy ako sa pagpo-portray kay Steffi.
Ito ang naging pahayag ng Kapuso actress at ultimate star na si Jennylyn Mercado sa pagtatapos ng telebabad soap na ‘My Love from the Star’.
Dagdag ng aktres, mami-miss niya ang pagganap bilang si Steffi Chavez dahil dito umano tumatak ang kanyang celebrity character sa kanyang showbiz career.
Samantala, nagpasalamat naman ang Matteo Do ng naturang telebabad soap na si Gil Cuerva sa suporta na kanilang natatanggap mula sa publiko.