May isa pang hilig si Kapuso Host Actress at Ultimate Star Jennylyn Mercado bukod sa pag arte
Ito ay ang pagluluto na ayon kay Jen ay therapy niya
Sinabi ni Jen na masarap ang pakiramdam niya kapag nagluluto at hindi siya magsasawa kahit pa mag bake o mag grocery ng mga ingredients sa kaniyang putahing lulutuin o ibe bake
Ayon kay Jen isang malaking consolation sa kaniya na masarapan ang kaniyang pamilya sa anumang niluto niya kayat gustung gusto niyang magluto ng magluto
Kaya naman excited din si Jen sa panibagong cooking show niya na pinamagatang Everyday Sarap na mapapanuod 3 beses kada araw mula Lunes hanggang Linggo
Una nang sumalang si Jen sa mga cooking show na Sarap With Family at Dishkarte of the Day
By: Judith Larino