May payo si sa mga bagong contestant ng artista search na Starstruck.
Ayon kay Jennylyn na tinanghal bilang first female winner noong 2003, alam niya kung gaano kahirap ang dapat pagdaanan ng mga nangangarap maging artista balang araw
Kaya naman advice ni jennylyn sa mga kalahok sa Starstruck, ipakita ang kanilang makakaya, huwag susuko at laban lamang ng laban.
Tiniyak ni Jennylyn na magbubunga din ng maganda ang mga pagsusumikap ng mga contestant gaya ng nangyari sa kanya na talaga namang bumago sa kanyang buhay.
Aminado naman si Jennylyn na kabado siya sa pagiging bahagi ng Starstruck council na siyang hahatol sa mga contestant.
By: Ralph Obina