Feeling lucky ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.
Ito ay dahil sa matutupad na isa sa kanyang mga pangarap, ang makapareha niya sa isang pelikula ang nag-iisang si John Lloyd Cruz.
Ayon kay Jennylyn, dati ay tumigil na siyang isipin na matutupad pa na makasama niya si Lloydie ngunit nang makasama sa pelikula ang ilang mga kapamilya actor tulad nina Sam Milby at Jericho Rosales ay nabuhayan siya ng loob.
Ngayon nga ay gumugulong na ang camera para sa movie ni Lloydie kaya naman walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan.
Kasabay nito, tinuldukan naman ni Jennylyn ang chikang siya ay lilipat na sa Kapamilya network.
Aniya, sa ngayon ay nag-eenjoy pa siya na nakakagawa siya ng pelikula kasama ang mga Kapamilya talents.
By Rianne Briones