Game ang aktor na si Jericho Rosales na muling makasama sa isang proyekto ang dating kasintahan at ka-love team na si Kristine Hermosa.
Kasunod ito ng muling pagbabalik ni Kristine sa pag-arte.
Ayon kay Echo, walang problema sa kanya kung muli silang pagsasamahin ni Tin.
Pabiro pang sinabi ni Echo na puwede siyang mag-guest ngayon sa teleseryeng bagani kung saan kabilang ang aktres.
Kasabay nito sinabi ni Echo na masaya siya sa pagbabalik telebisyon at pag-arte ni Tin.
Aniya, siguradong nag-eenjoy din si Kristine sa kanyang ginagawa ngayon kahit noon ay sinabi nitong ayaw niya nang bumalik sa showbiz para makapag-focus sa kanyang pamilya.