Nominado sa kategoryang best actor ang award-winning actor na si Jericho Rosales sa NewFilmmakers Los Angeles (NFMLA) para sa short film nitong Basurero.
Sa ipinalabas na pahayag ng NFMLA, isa si Echo sa siyam na aktor na maglalaban laban para sa nasabing kategorya.
Maliban dito, pasok rin para sa kategoryang Best International Drama ang mismong pelikula.
Lubos ang naging pasasalamat ni Echosa natanggap na nominasyon.
Inulan naman ng papuri at pagbati ang aktor mula sa kaniyang mga tagahanga, kaaanak at kaibigan sa mundo ng showbiz. — Sa panulat ni Abie Aliño