Hindi magdiriwang ng Valentine’s Day ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones ngayong taon.
Ayon kay Jericho, pareho silang may trabaho ng kanyang asawa kaya wala silang time para sa isang Valentine date.
Ngunit sinabi ni Jericho na hindi lang naman sa February 14 dapat na magdiwang ng Araw ng mga Puso kundi maaari naman itong gawin araw-araw.
Tungkol naman sa kanilang planong pagkakaroon ng anak, ipinahayag ni Echo na hindi muna ito kasama sa kanilang plano ngayong taon.
Aniya, nakatakda pa kasi syang mag-aral sa paggawa ng pelikula at eventually ay makapag-produce nito.
By Rianne Briones