Nabenta sa halagang $216,000 US dollars o P11-M ang jersey na isinuot at may pirma ni Michael Jordan bilang bahagi nang tinaguriang 1992 Olympic dream team.
Ipinabatid ng memorabilia company na Robert Edwards auctions na ang winning bid ay ikalawa sa pinakamalaking halaga para sa isang Jordan jersey sunod sa $274,000 US dollars na ibinayad para sa kaniyang 1984 Olympic Singlet.
Unang nabili ang jersey sa halagang $17, 500 US dollars nuong September 1992 sa isang gala charity auction.
Magugunitang kasama ni Jordan sa 1992 US Men’s Olympic basketball team na nagwagi ng gold medal sina hall of famers Magic Johnson, Larry Bird, Scottie Pippen, Karl Malone, Patrick Ewing, Charles Barkley, Clyde Drexler, John Stockton, David Robinson at Chris Mullin.