Pormal nang kinilala ng Estados Unidos ang Jerusalem bilang kabisera ng bansang Israel.
Inanunsyo ito mismo ni US President Trump.
Ayon kay Trump, matagal nang dapat ginawa ang pagkilala sa Jerusalem para sa maka-usad na aniya ang posesong pangkapayapaan sa Gitnang Silangan.
Matatandaang ang kapalaran ng Israel ay isa sa pinakamaselang isyu sa pagitan ng Israel at Palestina.
Kaugnay nito binatikos ni Palestinian President Mahmouhd Abbas ang naturang hakbang ni Trump at sinabing hindi na maaari pang maging peace broker ang Amerika.
Kaugnay nito, walo sa labinlimang miyembro ng United Nations ang nagpatawag na ng urgent meeting kaugnay ng naturang kaganapan.
—-