Sinimulan na ni IBF Junior Bantamweight Champion Jerwin Ancajas ang paghahanda sa kanyang ika-sampung title defense.
Agad sumabak sa training si Ancajas kasama si dating WBC Welterweight Champion Shawn Porter sa wildcard gym sa Los Angeles, California.
Bagaman hindi pa kumpirmado kung sino ang susunod na makakalaban, isa si Kazuto Ioka ng Japan sa mga posibleng makasagupa ng bente nwebe anyos na boksingero.
Tiniyak naman si Ancajas na bukas siya kahit sino ang makabakbakan at hindi aatras sa world title bout. —sa panulat ni Drew Nacino