Tuloy pa rin ang pag-eensayo ni filipino boxer Jerwin Ancajas kahit na hindi natuloy ang laban nito kay Kazuka Loka ng Japan.
Aniya, medyo nalungkot siya sa naging desisyon ng gobyerno ng Japan na ipagpaliban ang laban nila ni Loka na dapat na gaganapin sa Disyembre 31 dahil sa pagsasara ng border nito bunsod ng banta ng Omicron variant.
Matatandaang, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na ipinagpaliban ang laban. Dahil dalawang beses na ring naantala ang title defense nito bilang Internation Boxing Federation (IBF) Bantamweight Champion kay Jonathan Rodriguez. —sa panulat ni Airiam Sancho