Kinumpirma na ng aktres na si Jessy Mendiola ang paghihiwalay nila ng aktor na si JM de Guzman.
Ilang linggo na rin kumakalat ang tsismis kaugnay ng break up ng dalawa kasunod ng cyptic post ni JM sa kanyang Instagram account.
At kagabi, mismong si Jessy ang umamin ng kanilang paghihiwalay.
Ayon sa aktres, nagdesisyon silang dalawa na i-prioritize muna ang ibang bagay bukod sa kanilang relasyon.
Dagdag pa ni Jessy, sa kanyang palagay ay mas makakabuti sa kanila ni JM ang mag-focus muna sa iba pa nilang plano sa buhay.
Gayunman, ay nananatili pa rin naman daw silang magkaibigan ni JM at patuloy pa ring nakakapag-usap.
By Krista de Dios