Isinapubliko ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano ang mga kaganapan ng gender reveal party ng kanilang ”Baby Peanut.”
Sa isang Youtube vlog, ibinahagi ng mag-asawa ang main event ng party kung saan nabatid na girl ang magiging panganay nila.
Labis naman ang tuwa at excitement ng mag-asawa at naluha pa si Jessy nang malaman ang kasarian ng kanilang baby.
Dinaluhan ang nasabing event ng kanilang pamilya at kaibigan, kabilang ang veteran actress na si Vilma Santos.