Kinumpirma ni Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na hindi na siya kabilang sa gag show na Banana Sundae.
Ito ay kasunod na rin ng mga lumalabas na isyung tinanggal siya matapos na tumangging magsuot ng sexy outfit sa isang segment ng nasabing gag show.
Pagtanggi ni Jessy, hindi siya tinanggal pero kinumpirma niya ang insidenteng nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ng isa sa wardrobe assistant ng nasbing program.
Aniya, may kasalanan din siya sa nangyari dahil masyado siyang naging sensitive kapag napagtataasan ng boses o natatalikuran.
Pero paliwanag ni Jessy nagka-ayos na din naman sila at nakapagpaliwanagan na rin.
Nilinaw rin ng aktres na namagitan na rin ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano para magka-ayos ng nakatampuhang staff.
- Krista De Dios