Sa pamamagitan ng social media, binati ng aktres na si Jessy Mendiola ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano na nagdiriwang ng kanyang ika-36 na kaarawan.
Sa naturang post, pinasalamatan ni Jessy si Luis sa pagkakataong muling umibig.
Ayon pa sa aktres, araw-araw ay lalo aniyang lumalalim ang pagmamahal nito kay Luis.
Katulad aniya ng sayang ibinibigay ni Luis sa ibang tao.
Karapat-dapat aniya ang aktor sa lahat ng magagandang bagay dahil sa kabutihan nito.
By Ralph Obina
Photo Credit: Jessy Mendiola Instagram