Nagsalita na ang aktres na si Jessy Mendiola kaugnay sa balitang nagde-date sila ng aktor na si Luis Manzano.
Ayon sa dalaga, wala naman problema sa kanya na lumabas at mag-date dahil ngayon ay single siya.
Sinabi ni Mendiola na ang kumakalat na larawan nila ni Luis na magkasama online ay pagpapatunay na wala silang itinatago, aniya ‘what you see is what you get’.
Lumalabas aniya sila ni Luis ngunit nilinaw ni Jessy na ayaw niya itong bigyan ng label dahil minsan ay grupo silang lumalabas.
Idinagdag din ni Jessy na kaibigan niya si Luis at mas nagiging close sila ngayon.
Nang tanungin kung may pag-asa sa kanya si Luis?
“Oo naman. I am not denying anything. Ayaw ko naman maging sobrang pretentious na wala. Meron kasi, ‘di ba? As I’ve said, Luis is a good guy. Any girl would be lucky to have him kaya siguro Lucky ang pangalan niya,” Pahayag ni Jessy.
Sa kabila nito ay sinabi ni Jessy na sa ngayon ay hindi niya prayoridad ang kanyang love life.
Samantala, ikinalugod ng aktres ang pagkakatanghal sa kanya bilang sexiest woman ng FHM at itinuturing itong malaking blessing.
Photo Credit: Jessy Mendiola/ Instagram