Bukas ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na makasama at maging kaibigan si Angel Locsin ang ex- girlfriend ng kanyang current flame na si Luis Manzano.
Ayon kay Jessy, hindi siya namimili ng project dahil tulad ni Angel ay talent lang din siya sa ABS-CBN at anuman ang ibigay ng Kapamilya network ay handa niyang gawin.
Samantala, mariing pinabulaanan ni Jessy na siya ang third party sa hiwalayang Angel at Luis.
Aniya, alam niya ang totoo na wala siyang kinalaman dito kaya hindi siya magagalit anuman ang sabihin ng iba.
Iginiit ni Jessy na sa tamang panahon ay maayos din anuman ang gusot sa pagitan nila ni Angel.
By Rianne Briones