Inihayag ng batikang hollywood actor na si Jim Carrey na kung siya ang tatanungin ay dapat umanong inaresto si Will Smith sa pananampal nito kay Chris Rock sa entablado ng Oscars noong linggo.
Ayon kay Carrey, kung ibang tao raw ang sumampal kay Rock ay baka pinalabas na ito ng venue o inaresto.
Nabatid na nagdesisyon si Rock na hindi na sampahan ng kaso si Smith, sinabi ni Carrey na kung siya ang sinampal ni Smith ay hinding-hindi niya ito palalampasin.
Samantala, magugunitang matapos ang insidente ay nagpost si Smith ng public apology sa kanyang social media. —sa panulat ni Mara Valle