Tinanggihan ni Jimmy Alapag ang alok ni national team head coach Tab Baldwin na maging bahagi ng coaching staff ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championship.
Katwiran ni Alapag na magbabalik sa paglalaro para sa koponan ng Meralco Bolt, ayaw niyang hawakan ang mga taong kanya namang makakalaban sa PBA.
Sinabi ni Alapag na prayoridad niya sa ngayon ay ang kanyang paglalaro sa Meralco.
Kaugnay nito, sinabi ni Baldwin na kanilang nirerespeto ang desisyong ito ni Alapag.
Matatandaang nagretiro na noon si Alapag kung saan huli itong naglaro para sa koponan ng Talk n’ Text.
By Ralph Obina