Pansamantalang nakalabas sa kanyang kulungan si dating Senador Jinggoy Estrada ngayong araw.
Ito ay matapos na payagan ng Sandiganbayan si Estrada sa kanyang hirit na dalawang araw na furlough para sumailalim sa videocolonoscopy sa Cardinal Santos Medical Center.
Batay sa resolusyon na ipinalabas ng 5th Division ng Sandiganbayan, nagsimula ang furlough ng dating Senador kaninang alas-8:00 ng umaga at tatagal hanggang alas-8:00 ng umaga ng Hulyo 29.
Inatasan rin ng Sandiganbayan si Estrada na agad bumalik ng PNP Custodial Center matapos ang kanyang medical procedure at magsumite ng kopya ng resulta ng kanyang medical exmindation sa korte.
By Krista de Dios
Jinggoy Estrada pinayagang makalabas para sa medical check up was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882