Maaaring maging witness si dating Senador Jinggoy Estrada matapos itong pansamantalang makalaya mula sa kanyang pagkakakulong sa PNP Custodial Center noong Sabado.
Matatandaang pinayagang magpiyansa ng Sandiganbayan si Estrada sa kanyang kasong plunder at graft kaugnay sa pagkakasangkot nito sa DAP o Disbursement Acceleration Program fund scam.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, maaaring gamitin ang testimonya ni Estrada upang mapatunayan na mayroong nangyaring anomalya at hindi tamang paggamit ng DAP.
Aniya, bilang beneficiary sa DAP ay walang pananagutan si Estrada alinsunod sa ruling Korte Suprema na tanging mananagot lamang ay ang author ng programa.
Una nang inamin ni Estrada na nakatanggap siya at iba ng senador ng 50 milyong piso sa kanilang DAP para sa impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona.
—-