Nagbago na ang isip ng batang aktor na si Jiro Manio.
Kung noong una ay ipinahayag nito na hindi na siya muling papasok sa showbiz…ngayon ay ikinokunsidera na ni Jiro ang muling pagsabak sa showbiz.
Ayon sa kanyang nanay-nanayan na si Ai Ai Delas Alas, natutuwa siya dahil mas positibo na ngayon ang pagtingin ni Jiro sa buhay matatandaang dumaan sa depresyon si Jiro matapos na mabigong mapunta sa Japan para makausap ang kanyang amang Hapon.
Kamakailan lamang ay lumipad si Ai-Ai upang ayusin ang meeting ng mag-ama, bagama’t wala pa itong positibong resulta ay nangako si Ms. Ai-Ai na kanyang gagawin lahat upang finally ay magkakilala na ang mag-ama.
By Rianne Briones