Patay ang Jiu Jitsu champion na si Leandro Lo matapos barilin isang night club sa Rio De Janiro, Brazil.
Ayon sa mga otoridad, isa umanong off-duty na pulis ang nakabaril sa ulo ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Bagama’t agad na naitakbo ang biktima sa pagamutan ay agad din itong binawian ng buhay.
Mababatid na itinuturing na pinakamagaling na Jiu Jitsu athlete si Lo na nagwagi ng walong beses sa world championships.