Inihayag ng Department of Health na nakalaan sa ilang populasyon ang single jab COVID-19 vaccine na Johnson & Johnson.
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang naturang bakuna ay homologous na nanganghulugang maaari lamang itong iturok bilang booster sa mga nakatanggap nito bilang kanilang primary vaccine.
Napagdesisyunan aniya ng ahensya na huwag itong ibigay bilang booster dahil sa limitadong suplay nito at mainam aniya na ilaan ito sa mga lugar na mahirap maabot at sa mga vulnerable individual.
Una nang sinabi ng DOH na napagkalooban ng EUA ang Janssen bilang booster shot mula pa noong 2021, ngunit hindi ito ipinatupad sa bansa, bunsod ng “logistical concerns.”
Umapela naman si Vergeire sa publiko na huwag maging mapili sa brand at tanggapin kung ano ang available na primary vaccine at booster doses dahil epektibo ang lahat ng ito laban sa COVID-19.