Ipamahagi ang dumating na Johnson & Johnson vaccine sa mga lugar na may kaso ng Delta variant.
Ito ang naging panawagan ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan dahil sa pagdami ng kaso ng naturang variant sa bansa.
Ayon kay Robredo, dapat unahing turukan ang mga residente sa mga lugar na may banta ng nakakahawang coronavirus strain.
Dagdag ni Robredo, posibleng marami pang kaso ang hindi pa nade-detect dahil limitado lamang ang kapasidad ng bansa pagdating sa genome sequencing.
Magugunitang nakapagtala ang DOH ng 16 na bagong kaso ng Delta variant kung saan 11 rito ang local cases na natukoy sa Metro Manila, anim sa Region 10, dalawa sa Region 6 at isa sa Region 3.
Samantala, sinabi rin ni Robredo na kailangan rin bigyang suporta ang Philippine Genome Center.