Usap-usapan ngayon ang bagong kanta ni Juan Karlos Labajo, o mas kilala rin bilang JK, na “May halaga pa ‘ba ako sa ‘yo” ay para umano sa kanyang ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz!!!
Ito ay matapos i-like ni JK ang birthday post ni Maureen para sa boyfriend nito, kung saan sinabi ni Mau na “Thank you for making me feel like I’m the luckiest girl in the world.”
Pagkatapos nito ay nag-post naman ang singer ng “Hahahahahaha ganun pala pakiramdam,” sa kanyang Facebook atsaka plinug ang bago nitong kanta.
Dahil dito ay naging usap-usap na naman ang dalawa dahil sa umano’y pagpaparinig ni JK.
Nabatid na nag-break ang dalawa noong 2022 habang na-hard launch naman si JK ng kanyang rumored new girlfriend at singer-songwriter na si Dia Maté.