Laking pasalamat ng aktor na si JM De Guzman sa muling pagtanggap sa kaniya ng industriya ng showbiz matapos makalabas sa rehabilitation center sa ikalawang pagkakataon.
Ayon kay De Guzman noong ipinasok sa siya loob ng rehab dahil sa muling pagkalulon sa ipinagbabawal na gamot ay tinanggap niya na umano na wala na siyang babalikan pang career.
Ngunit di niya umano akalain na muli siyang kukunin ng ABS-CBN upang pagbidahan ang isang teleserye kung saan katambal niya ang baguhang artista na si Barbie Imperial.
Dahil dito lubos ang pasasalamat ng aktor sa muling tiwalang ibinigay sa kaniya at sa kaniya umanong mga taga hanga na walang sawang sumusuporta.