Maghahatid ng trabaho sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Deparment of Labor and Employment o DOLE sa pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas sa June 12.
Ipinahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na 19 na “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” (TNK) job and business fairs ang isasagawa sa 14 rehiyon.
Sinabi ng kalihim na layunin nitong dalhin sa grassroots level ang mga oportunidad na magkatrabaho at pagne-negosyo.
Inabisuhan ni Bello ang job seekers na maghanda ng requirements gaya ng resume, 2×2 identification photos, employment certificates, diplomas, transcripts of records at authenticated birth certificates.
Mas malaki aniya ang tyansa na matanggap sila sa trabaho sa mismong araw na iyon.
—-