Ikakasa ngayong araw ng Manila Public Employment Service Office (PESO) ang Job fair para sa mga naghahanap at nais magkaroon ng trabaho.
Ayon sa Manila PESO, daan-daang trabaho ang kanilang iaalok sa mga residente kabilang na dito ang: Personal assistant; Accounting at Office staff; HR staff, Officer, Head, Manager o Supervisor; Sales, Promodiser o Customer Service Representative, Warehouseman, ATM, Computer o CCTV technician; Company driver; Graphic artist; Delivery/Warehouse helper at Stockman; Billing officer; Service crew; Housekeeping; Executive Secretary; Production Operator at iba pa.
Sisimulan ang Job fair alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa Park n’ Ride Building sa Lawton, Ermita, Maynila.
Nagpaalala naman ang Manila PESO sa mga interesadong mag-apply na magsuot ng casual na damit, magdala ng maraming updated resume, itim na ballpen, at magrehistro sa ibinigay na google form.
Maari ring bumisita ang mga nais mag apply sa kanilang facebook page para sa karagdagang detalye hinggil sa naturang aktibidad.