Mahigit tatlumpung (30) jobs fairs sa buong bansa ang ikinakasa ngayong araw na ito ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa mga nasabing jobs fairs, sinabi ni Director Dominique Tutay ng Bureau of Local Employment ng DOLE na mahigit 200,000 trabaho ang alok ng halos 1,000 dayuhan at lokal na mga kumpanya.
Bukod pa ito aniya sa mga alok na trabaho ng ilang ahensya ng gobyerno.
Meron pong 31 trabaho, negosyo, kabuhayan job fair ang business opportunities na gagawin sa buong bansa. Lahat ng rehiyon ay mayroong job fair po tayo. And meron pong participating 1,000 employers both local and overseas at meron po silang inihahandog na more than 200,000 job vacancies. May kalahok din po sa ating job fair ang ibang ahensya ng pamahalaan na meron pong mga job vacancies o pangangailangan po ng kanilang mga personnel kagaya po ng Philippine National Police, Bureau of Fire, Armed Forces of the Philippines po, BIR, Philippine Army tiyaka MMDA.” ani Tutay.
Kasabay nito ipinabatid sa DWIZ ni Tutay ang ceremonial signing sa tatlong mahahalagang batas kabilang ang paglalatag ng Implementing Rules and Guidelines ng extended maternity benefits at guidelines sa pagi-isyu ng permit to work sa mga dayuhang manggagawa.
Tinatawag po natin na MOA naman ng DOLE atyaka ng DTI, TESDA, pagdating po doon sa skills training, technical education and assessment and certification po ng mga returning Overseas Filipino Worker (OFW) po natin. Magkakaroon din po tayo ng groundbreaking ng OFW hospital and diagnostic center ditto po sa San Fernando, Pampanga.”paliwanag ni Tutay.
Balitang Todo Lakas Interview