Ibinabala ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP na mahihirapang makahanap ng trabaho ang mga bagong magsisipagtapos sa kolehiyo ngayong taon.
Ito’y ayon sa grupo ay dahil sa patuloy na pagtaas ng job mismatch o ang hindi pagkakatugma ng tinapos na kurso ng estudyante sa papasuking trabaho.
Ayon kay Alan Tanjusay, Tagapagsalita ng TUCP, tumataas aniya ang kompetisyon sa pagitan ng mga employer dahil sa pagtatakda ng mga karagdagang qualifications sa trabaho.
Batay sa tala ng Department of Labor and Employment, nasa mahigit tatlongdaang libo mula sa mahigit isang milyong aplikante ang agad na nakakukuha ng trabaho sa mahigit 3,000 job fairs na ikinasa sa mga taong 2014 at 2015.
By: Jaymark Dagala