Nananatili pa ring problema ng “job mismatch” sa Pilipinas.
Ang job mismatch ay isang kalagayan sa paggawa, kung saan ang isang indibiduwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan nito.
Ayon kay Monica Palomares, marketing specialist ng Jobstreet Philippines, nangunguna pa rin ang industiya ng business process outsourcing o BPO sa mga trabahong maaaring aplayan ng mga aplikante.
Sinabi ni Palomares, na karamihan sa mga nagtatrabaho sa BPO ay iba-iba ang kursong tinapos gaya ng nursing, education at iba pa.
—-