Tumaas ang bilang ng mga trabaho na maaaring aplayan ng mga bagong graduates sa unang tatlong buwan ng 2018.
Ito ay ayon sa “online job site” na Jobstreet Philippines kung saan mayroong mahigit 52,000 trabaho na naghihintay para sa mga fresh graduates.
Ayon kay Philippines Country Manager Philip Gioca, maraming kumpanya ang nangangailangan ngayon ng karagdagang empleyado lalo na sa sektor ng “manufacturing” at “production”.
Batay sa pinakahuling datos ng Jobstreet, unang tinitignan ng mga employer sa mga aplikante para tanggapin ito sa trabaho ay ang kanilang “attitude”, na sinundan ng galing sa komunikasyon at “analytical thinking”.
—-