Naghihintay ang mas maraming oportunidad na trabaho para sa mga overseas Filipino workers sa Qatar dahil sa nakatakdang international event ng host country sa Nobyembre ayon sa Philippine Overseas Labor Office o POLO sa DOHA.
Ayon kay labor attaché Adam Musa, mas maraming trabaho sa sektor ng turismo at hospitality ang magbubukas sa mga manggagawa sa Gulf nation para sa FIFA World Cup.
Kumbinsido rin siya na ang pagdaraos ng nasabing aktibidad ay makatutulong na mapabuti ang ekonomiya ng host nation at lumikha pa ng mga job opportunities.
Samantala, mayroong humigit-kumulang na 250k overseas Filipino workers (OFWs) sa Arab nation at karamihan sa mga ito ay household service worker (HSWs).—sa panulat ni Airiam Sancho