Tumaas ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong 2016.
Batay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan naitala ang 22.3 percent na unemployment rate noong nakaraang taon.
Mas mataas ito kumpara sa 21.9 percent na jobless rate noong 2015.
Ayon sa survey, dulot ito ng malaking pagtaas ng bilang ng walang trabaho sa huling quarter ng 2016 na nasa 25.1 percent o katumbas ng 11.2 milyong Pilipino.
Lumalabas na 12.2 percent o katumbas ng mahigit 5 milyong mga Pilipino ang nag-resign sa kanilang trabaho habang 8.7 percent o halos 4 milyong Pilipino ang nawalan naman ng trabaho.
Aabot naman sa 1.9 percent sa naturang jobless rate o katumbas ng halos 2 milyong Pilipino ang mga first time job seekers.
By Ralph Obina