Hiwalay na ngunit nananatiling magkaibigan.
Ito ang maikling sagot ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa isang interview nang tanungin kaugnay sa estado ng relasyon nila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
Hindi na nagbigay pa ng maraming detalye ang aktres kaugnay sa breakup.
Matatandaang kinumpirma ni Sta. Maria ang relasyon kay Jolo noong 2012 at may mga breakup rumors na lumabas matapos na aksidenteng mabaril ni Jolo ang sarili noong February 2015.
Sa ngayon, busy ang 34-year old actress sa pagpo-promote ng kanyang bagong pelikulang ‘The Achy Breaky Hearts’ kasama sina Ian Veneracion at Richard Yap na showing na ngayong June 29.