Magsasama sa isang pelikula sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Ian Veneracion.
Inanunsyo ng Star Cinema na ito ay sa direksyon ni Antoinette Jadaone na siyang nasa likod ng hit romantic comedy movie ‘That Thing Called Tadhana’.
Ayon kay Jadaone iikot ang istorya sa isang 30-year old na babaeng hindi pa nag-aasawa at ang mga problemang kaakibat ng pagiging single sa ganung edad.
“Tina-tackle dito iyong tingin ng mga Pinoy sa isang 30-year-old na babae na kapag single siya, may mali na sa kanya. Kapag single ka nang ganoong age, para kanang may sakit na nakakahawa na dapat agapan,” Pahayag ni Jadaone.
Sa pelikula, gagampanan ni Jodi ang karakter ni Chinggay, successful ngunit single sa edad na 30, at dito niya mami-meet ang bagong lalaki sa kanyang buhay na si Ryan (Ian Veneracion) ngunit magbabalik din ang kanyang ex-boyfriend na si Richard Yap.
“Iyong buong movie, ipre-present niya iyong dalawang lalaki equally para maranasan ng audience iyong dilemma ni Chinggay na hindi talagang siya makapili. Kasi parehong okay iyong lalaki at pareho ring may limitasyon,” Dagdag ni Jadaone.
Excited naman ang tatlong lead na makatrabaho ang isa’t isa.
Matatandaang kapwa naging matagumpay at tinangkilik ang mga proyekto ni Jodi kasama ang kanyang 2 leading men, si Yap na ka-loveteam niya sa ‘Be Careful with My Heart’, at si Ian na nakasama naman niya sa Pangako Sa’yo.
Magsisimula na ang shooting ng pelikula sa May 5 ngunit wala pang release date.
Photo Courtesy: Screengrab from Star Cinema/ Instagram